Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 21:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 21:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman,
    ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan.
7 Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala,
    dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala.
8 Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway,
    bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam.