Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 19:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 19:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paglilikha at ang Kadakilaan ng Diyos
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.
19 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!
    Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!
2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,
    patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.
3 Wala silang tinig o salitang ginagamit,
    wala rin silang tunog na ating naririnig;