Add parallel Print Page Options

(A)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
(B)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
Ikiling mo ang iyong mga langit, (C)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(D)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.

Read full chapter