Add parallel Print Page Options

Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.

140 Iligtas mo ako, O Panginoon, sa masasamang tao;
    mula sa mararahas na tao ay ingatan mo ako,
    na nagbabalak ng kasamaan sa puso nila,
    at patuloy na nanunulsol ng pakikidigma.
Pinatatalas(A) ang kanilang dila na gaya ng sa ahas;
    at sa ilalim ng kanilang mga labi ay kamandag ng ulupong. (Selah)
O Panginoon, sa mga kamay ng masama ay ingatan mo ako,
    ingatan mo ako sa mararahas na tao,
    na nagbalak na tisurin ang mga paa ko.
Ang mga taong mapagmataas ay nagkubli para sa akin ng bitag,
    at ng mga panali, at sila'y naglagay ng lambat sa tabi ng daan,
    naglagay sila para sa akin ng mga patibong. (Selah)

Aking sinabi sa Panginoon, “Ikaw ay aking Diyos;
    pakinggan mo ang tinig ng aking mga daing, O Panginoon.”
O Panginoon, aking Panginoon, lakas ng aking kaligtasan,
    tinakpan mo ang ulo ko sa araw ng labanan.
Huwag mong ipagkaloob, O Panginoon, ang mga nasa ng masama;
    huwag mong hayaang magpatuloy ang kanyang masamang pakana, baka sila'y magmalaki. (Selah)

Tungkol sa ulo ng mga pumalibot sa akin,
    takpan nawa sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 Mahulog nawa sa kanila ang mga nagniningas na baga!
    Ihagis nawa sila sa apoy, sa mga malalim na hukay upang huwag na silang makabangong muli!
11 Ang mapanirang-puri nawa'y huwag matatag sa daigdig;
    kaagad nawang tugisin ng kasamaan ang taong mapanlupig!
12 Alam kong tutulungan ng Panginoon ang panig ng nahihirapan,
    at katarungan para sa mahirap.
13 Tunay na ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan,
    ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.

140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao:

Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.

Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)

Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.

Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)

Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.

Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.

Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah)

Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.

10 Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.

11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.

12 Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan.

13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.

Panalangin para Ingatan ng Dios

140 Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.
Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao.
Ang kanilang mga dila ay parang mga makamandag na ahas;
    at ang kanilang mga salita ay makakalason na parang kamandag ng ahas.
Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.
Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin;
    naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.

Panginoon, kayo ang aking Dios.
    Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.
Panginoong Dios, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas;
    iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.
Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad.
    Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano,
    baka silaʼy magmalaki.
Sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin ay mangyari sa kanila.
10 Bagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga,
    at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.
11 Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa.
    Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.

12 Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha,
    at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.
13 Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwid at sa piling nʼyo silaʼy mananahan.

Panalangin upang ingatan laban sa manlulupig. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David

140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso:
(A)Laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas;
(B)Kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
(C)Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
(D)Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali;
Kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan;
Sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko:
Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan,
Iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama;
Huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka (E)sila'y mangagmalaki. (Selah)
Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot,
Takpan sila (F)ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 (G)Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas:
Mangahagis sila sa apoy;
Sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa:
Huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na (H)aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati,
At ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan:
Ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.