Add parallel Print Page Options

Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.

139 O Panginoon, siniyasat mo ako at nakilala mo ako.
Iyong nalalaman kapag ako'y umuupo at kapag ako'y tumatayo;
    nababatid mo ang aking pag-iisip mula sa malayo.
Iyong sinisiyasat ang aking landas at ang paghiga ko,
    at ang lahat kong mga lakad ay nalalaman mo.
Bago pa man magkaroon ng salita sa dila ko,
    O Panginoon, lahat ng iyon ay alam mo.
Iyong pinaligiran ako sa likuran at sa harapan,
    at ipinatong mo sa akin ang iyong kamay.
Ang gayong kaalaman ay lubhang kahanga-hanga para sa akin;
    ito ay matayog, hindi ko kayang abutin.

Saan ako pupunta mula sa iyong Espiritu?
    O saan ako tatakas mula sa harapan mo?
Kung ako'y umakyat sa langit, ikaw ay naroon!
    Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, ikaw ay naroon!
Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga,
    at sa mga pinakadulong bahagi ng dagat ako'y tumira,
10 doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
    at hahawakan ako ng iyong kanang kamay.
11 Kung aking sabihin, “Takpan nawa ako ng dilim,
    at maging gabi ang liwanag na nakapalibot sa akin,”
12 kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa iyo,
    at ang gabi ay kasinliwanag ng araw;
    ang kadiliman at kaliwanagan ay magkatulad sa iyo.

13 Sapagkat hinubog mo ang aking mga nasa loob na bahagi,
    at sa bahay-bata ng aking ina ako'y iyong hinabi.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha.
    Ang iyong mga gawa ay kahangahanga;
at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo,
nang ako'y lihim na ginagawa,
    mahusay na binuo sa kalaliman ng lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking wala pang anyong sangkap;
at sa iyong aklat bawat isa sa mga iyon ay nakasulat,
    ang mga araw na sa akin ay itinakda,
    nang wala pang anuman sa kanila.
17 Napakahalaga sa akin ng iyong mga pag-iisip, O Diyos!
    Napakalawak ng kabuuan ng mga iyon!
18 Kung aking bibilangin, ang mga iyon ay marami pa kaysa buhangin.
    Kapag ako'y nagigising, ako'y kasama mo pa rin.

19 Sana'y patayin mo, O Diyos, ang masama,
    kaya't layuan ninyo ako, mga taong nagpapadanak ng dugo.
20 Sapagkat sila'y nagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
    at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 Hindi ba kinapopootan ko silang napopoot sa iyo, O Panginoon?
    At hindi ba kinasusuklaman ko silang laban sa iyo'y bumabangon?
22 Kinapopootan ko sila ng lubos na pagkapoot;
    itinuturing ko sila na aking mga kaaway.
23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang aking puso;
    subukin mo ako, at alamin mo ang mga pag-iisip ko!
24 At tingnan mo kung may anumang lakad ng kasamaan sa akin,
    at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

139 Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako.

Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.

Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.

Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo.

Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin.

Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot.

Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?

Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.

Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;

10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.

11 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;

12 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.

13 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina.

14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.

15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.

16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila,

17 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila!

18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.

19 Walang pagsalang iyong papatayin ang masama, Oh Dios: hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.

20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.

21 Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?

22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan: sila'y naging mga kaaway ko.

23 Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:

24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Psalm 139

For the director of music. Of David. A psalm.

You have searched me,(A) Lord,
    and you know(B) me.
You know when I sit and when I rise;(C)
    you perceive my thoughts(D) from afar.
You discern my going out(E) and my lying down;
    you are familiar with all my ways.(F)
Before a word is on my tongue
    you, Lord, know it completely.(G)
You hem me in(H) behind and before,
    and you lay your hand upon me.
Such knowledge is too wonderful for me,(I)
    too lofty(J) for me to attain.

Where can I go from your Spirit?
    Where can I flee(K) from your presence?
If I go up to the heavens,(L) you are there;
    if I make my bed(M) in the depths, you are there.
If I rise on the wings of the dawn,
    if I settle on the far side of the sea,
10 even there your hand will guide me,(N)
    your right hand(O) will hold me fast.
11 If I say, “Surely the darkness will hide me
    and the light become night around me,”
12 even the darkness will not be dark(P) to you;
    the night will shine like the day,
    for darkness is as light to you.

13 For you created my inmost being;(Q)
    you knit me together(R) in my mother’s womb.(S)
14 I praise you(T) because I am fearfully and wonderfully made;
    your works are wonderful,(U)
    I know that full well.
15 My frame was not hidden from you
    when I was made(V) in the secret place,
    when I was woven together(W) in the depths of the earth.(X)
16 Your eyes saw my unformed body;
    all the days ordained(Y) for me were written in your book
    before one of them came to be.
17 How precious to me are your thoughts,[a](Z) God!(AA)
    How vast is the sum of them!
18 Were I to count them,(AB)
    they would outnumber the grains of sand(AC)
    when I awake,(AD) I am still with you.

19 If only you, God, would slay the wicked!(AE)
    Away from me,(AF) you who are bloodthirsty!(AG)
20 They speak of you with evil intent;
    your adversaries(AH) misuse your name.(AI)
21 Do I not hate those(AJ) who hate you, Lord,
    and abhor(AK) those who are in rebellion against you?
22 I have nothing but hatred for them;
    I count them my enemies.(AL)
23 Search me,(AM) God, and know my heart;(AN)
    test me and know my anxious thoughts.
24 See if there is any offensive way(AO) in me,
    and lead me(AP) in the way everlasting.

Footnotes

  1. Psalm 139:17 Or How amazing are your thoughts concerning me

139 O lord, thou hast searched me, and known me.

Thou knowest my downsitting and mine uprising, thou understandest my thought afar off.

Thou compassest my path and my lying down, and art acquainted with all my ways.

For there is not a word in my tongue, but, lo, O Lord, thou knowest it altogether.

Thou hast beset me behind and before, and laid thine hand upon me.

Such knowledge is too wonderful for me; it is high, I cannot attain unto it.

Whither shall I go from thy spirit? or whither shall I flee from thy presence?

If I ascend up into heaven, thou art there: if I make my bed in hell, behold, thou art there.

If I take the wings of the morning, and dwell in the uttermost parts of the sea;

10 Even there shall thy hand lead me, and thy right hand shall hold me.

11 If I say, Surely the darkness shall cover me; even the night shall be light about me.

12 Yea, the darkness hideth not from thee; but the night shineth as the day: the darkness and the light are both alike to thee.

13 For thou hast possessed my reins: thou hast covered me in my mother's womb.

14 I will praise thee; for I am fearfully and wonderfully made: marvellous are thy works; and that my soul knoweth right well.

15 My substance was not hid from thee, when I was made in secret, and curiously wrought in the lowest parts of the earth.

16 Thine eyes did see my substance, yet being unperfect; and in thy book all my members were written, which in continuance were fashioned, when as yet there was none of them.

17 How precious also are thy thoughts unto me, O God! how great is the sum of them!

18 If I should count them, they are more in number than the sand: when I awake, I am still with thee.

19 Surely thou wilt slay the wicked, O God: depart from me therefore, ye bloody men.

20 For they speak against thee wickedly, and thine enemies take thy name in vain.

21 Do not I hate them, O Lord, that hate thee? and am not I grieved with those that rise up against thee?

22 I hate them with perfect hatred: I count them mine enemies.

23 Search me, O God, and know my heart: try me, and know my thoughts:

24 And see if there be any wicked way in me, and lead me in the way everlasting.