Font Size
Mga Awit 132:11-13
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 132:11-13
Ang Biblia (1978)
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(A)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978