Font Size
Mga Awit 118:25-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 118:25-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Kami(A) ay iligtas,
tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas!
At pagtagumpayin sa layuni't hangad.
26 Pinagpala(B) ang dumarating sa pangalan ni Yahweh;
magmula sa templo,
mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!
1 Macabeo 13:51
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Macabeo 13:51
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
51 Nang ika-23 araw ng ika-2 buwan, taong 171, nagkaroon ng malaking pagdiriwang sa lunsod sapagkat nagwakas na ang kahindik-hindik na banta sa Israel. Pumasok sa kuta si Simon at ang kanyang mga tauhan na umaawit ng himno ng pagpupuri at pasasalamat habang may hawak na mga sanga ng palma, at tumutugtog naman ng alpa, pompiyang at lira ang iba.
Read full chapter