Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 111:1-3
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 111:1-3
Magandang Balita Biblia
Awit ng Pagpupuri sa Kadakilaan ni Yahweh
111 Purihin si Yahweh!
Buong puso siyang pasasalamatan,
    aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.
2 Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila,
    mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;
3 lahat niyang gawa'y dakila at wagas,
    katuwiran niya'y hindi magwawakas.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 
    Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
