Font Size
Mga Awit 107:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 107:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Winawasak niya,
maging mga pinto na yari sa tanso,
ang rehas na bakal
ay nababaluktot kung kanyang mahipo.
17 May nangagkasakit,
dahil sa kanilang likong pamumuhay;
dahil sa pagsuway,
ang dinanas nila'y mga kahirapan.
18 Anumang pagkain
na makita nila'y di na magustuhan,
anupa't sa anyo,
di na magluluwat ang kanilang buhay.
Mga Awit 107:16-18
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 107:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Sapagka't (A)kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso,
At pinutol ang mga halang na bakal.
17 (B)Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa (C)mga pintuan ng kamatayan,
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978