Font Size
Mga Awit 105:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 105:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
28 Ang(A) isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain,
ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin.
29 Ang(B) ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy,
pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy.
30 Napuno(C) ng mga palakang kay rami ang buong lupain,
maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin.