Mga Awit 1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
UNANG AKLAT
Ang Tunay na Kagalakan
1 Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama,
at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa.
Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya
at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.
2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.
Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
3 Katulad(A) niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,
laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.
Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
4 Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama,
ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.
5 Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan
siya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.
6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay,
ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.
Awit 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Mga Awit 1
Ang Biblia (1978)
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
