Add parallel Print Page Options

Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at hinihikayat sila tungkol sa kaharian ng Diyos.

Ngunit may ilan sa kanila na nagmatigas at ayaw sumampalataya, at nagsalita pa ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw[a] sa bulwagan ni Tirano. 10 Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia[b], maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 19:9 araw-araw: Sa ibang manuskrito'y nakasulat mula ika-11:00 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon .
  2. Mga Gawa 19:10 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.