Add parallel Print Page Options

The Parable of the Wedding Feast

22 And again Jesus (A)spoke to them in parables, saying, (B)“The kingdom of heaven may be compared to a king who gave (C)a wedding feast for his son, and (D)sent his servants[a] to call those who were invited to the wedding feast, but they would not come. (E)Again he sent other servants, saying, ‘Tell those who are invited, See, I have prepared my (F)dinner, (G)my oxen and my fat calves have been slaughtered, and everything is ready. Come to the wedding feast.’ But (H)they paid no attention and went off, one to his farm, another to his business, while the rest seized his servants, (I)treated them shamefully, and (J)killed them. The king was angry, and he sent his troops and (K)destroyed those murderers and burned their city. Then he said to his servants, ‘The wedding feast is ready, but those invited were not (L)worthy. Go therefore to the main roads and invite to the wedding feast as many as you find.’ 10 And those servants went out into the roads and (M)gathered all whom they found, both bad and good. So the wedding hall was filled with guests.

11 “But when the king came in to look at the guests, he saw there (N)a man who had no wedding garment. 12 And he said to him, (O)‘Friend, how did you get in here without a wedding garment?’ And he was speechless. 13 Then the king said to the attendants, ‘Bind him hand and foot and (P)cast him into the outer darkness. In that place (Q)there will be weeping and gnashing of teeth.’ 14 For many are (R)called, but few are (S)chosen.”

Paying Taxes to Caesar

15 (T)Then the Pharisees went and plotted how (U)to entangle him in his words. 16 And they sent (V)their disciples to him, along with (W)the Herodians, saying, “Teacher, (X)we know that you are true and teach (Y)the way of God truthfully, and you do not care about anyone's opinion, for (Z)you are not swayed by appearances.[b] 17 Tell us, then, what you think. Is it lawful to pay (AA)taxes to (AB)Caesar, or not?” 18 But Jesus, aware of their malice, said, “Why (AC)put me to the test, you hypocrites? 19 Show me the coin for the tax.” And they brought him a denarius.[c] 20 And Jesus said to them, “Whose likeness and inscription is this?” 21 They said, “Caesar's.” Then he said to them, (AD)“Therefore render to Caesar the things that are Caesar's, and to God the things that are God's.” 22 When they heard it, they marvelled. And they (AE)left him and went away.

Sadducees Ask About the Resurrection

23 The same day (AF)Sadducees came to him, (AG)who say that there is no resurrection, and they asked him a question, 24 saying, “Teacher, Moses said, (AH)‘If a man dies having no children, his brother must marry the widow and raise up children for his brother.’ 25 Now there were seven brothers among us. The first married and died, and having no children left his wife to his brother. 26 So too the second and third, down to the seventh. 27 After them all, the woman died. 28 In the resurrection, therefore, of the seven, whose wife will she be? For they all had her.”

29 But Jesus answered them, “You are wrong, (AI)because you know neither the Scriptures nor (AJ)the power of God. 30 For in the resurrection they neither (AK)marry nor (AL)are given in marriage, but are like angels in heaven. 31 And as for the resurrection of the dead, (AM)have you not read what was said to you by God: 32 (AN)‘I am the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob’? He is not God of the dead, but of the living.” 33 And when the crowd heard it, (AO)they were astonished at his teaching.

The Great Commandment

34 (AP)But when the Pharisees heard that he had silenced (AQ)the Sadducees, they gathered together. 35 (AR)And one of them, (AS)a lawyer, asked him a question (AT)to test him. 36 “Teacher, which is the great commandment in the Law?” 37 And he said to him, (AU)“You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. 38 This is the great and first commandment. 39 And (AV)a second is like it: (AW)You shall love your neighbour as yourself. 40 (AX)On these two commandments depend (AY)all the Law and the Prophets.”

Whose Son Is the Christ?

41 (AZ)Now while the Pharisees (BA)were gathered together, Jesus asked them a question, 42 saying, “What do you think about (BB)the Christ? Whose son is he?” They said to him, (BC)“The son of David.” 43 He said to them, “How is it then that David, (BD)in the Spirit, calls him Lord, saying,

44 (BE)“‘The Lord said to my Lord,
Sit at my right hand,
    until I put your enemies under your feet’?

45 If then David calls him Lord, (BF)how is he his son?” 46 (BG)And no one was able to answer him a word, (BH)nor from that day did anyone dare to ask him any more questions.

Footnotes

  1. Matthew 22:3 Greek bondservants; also verses 4, 6, 8, 10
  2. Matthew 22:16 Greek for you do not look at people's faces
  3. Matthew 22:19 A denarius was a day's wage for a labourer

Ang Talinghaga tungkol sa Kasalan(A)

22 Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga lingkod at kanyang pinagbilinan ng ganito: ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na nakahanda na ang mga pagkain, kinatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat. Halina kayo!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Sa halip, pumunta sila sa kani-kanilang lakad. May nagpunta sa kanyang bukid at mayroon namang nag-asikaso ng kanyang negosyo. Sinunggaban naman ng iba ang mga lingkod, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari kaya't pinapunta niya ang kanyang mga kawal upang puksain ang mga mamamatay-taong iyon at sunugin ang kanilang lungsod. Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, ‘Nakahanda na ang mga pagkain ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Pumunta kayo sa mga pangunahing lansangan at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ 10 Pumunta nga sa mga lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang natagpuan, masasama't mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

11 “Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. 12 Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao, 13 kaya't(B) sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”

14 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili.”

Ang Pagbabayad ng Buwis(C)

15 Umalis ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano nila mahuhuli si Jesus sa kanyang pananalita. 16 Kaya pinapunta nila kay Jesus ang ilan sa kanilang mga alagad kasama ng ilang tagasunod ni Herodes. Sinabi ng mga sugo, “Guro, nalalaman naming kayo'y tapat at itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Wala kayong itinatangi sapagkat patas ang pagtingin ninyo sa mga tao. 17 Ano po ang palagay ninyo? Naaayon ba sa Kautusan na magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?”

18 Alam ni Jesus ang kanilang masamang layunin kaya't sinabi niya, “Kayong mga mapagkunwari! Bakit binibitag ninyo ako? 19 Ipakita ninyo sa akin ang isang salaping pambayad sa buwis.”

At ipinakita nga nila ang isang salaping pilak. 20 “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit diyan?” tanong ni Jesus.

21 “Sa Emperador po,” tugon nila.

Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa kanya, at sa Diyos ang para sa Diyos.”

22 Namangha sila nang marinig ito, at sila'y umalis.

Tungkol sa Muling Pagkabuhay(D)

23 Nang(E) araw ding iyon, may lumapit kay Jesus na ilang Saduseo. Ang mga ito ay hindi naniniwalang muling mabubuhay ang mga patay. 24 Sinabi(F) nila, “Guro, itinuro po ni Moises na kung mamatay na walang anak ang isang lalaki, ang kanyang kapatid ay dapat pakasal sa nabiyuda upang magkaanak sila para sa namatay. 25 Noon po'y may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay at namatay siyang walang anak, kaya't ang kanyang asawa ay pinakasalan ng kanyang kapatid. 26 Gayundin po ang nangyari sa pangalawa, sa pangatlo, hanggang sa pampito. 27 Pagkamatay nilang lahat, namatay naman ang babae. 28 Ngayon, sino po sa pito ang magiging asawa niya sa muling pagkabuhay, yamang siya'y napangasawa nilang lahat?”

29 Sumagot si Jesus, “Maling-mali kayo, palibhasa'y hindi ninyo nauunawaan ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. 30 Sa(G) muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit. 31 Tungkol naman sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sabi niya, 32 ‘Ako(H) ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy.”

33 Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang katuruan.

Ang Pinakamahalagang Utos(I)

34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo. 35 Isa(J) sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito. 36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.

37 Sumagot(K) si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito(L) naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”

Ang Tanong tungkol sa Anak ni David(M)

41 Tinanong naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon. 42 “Ano ang pagkakilala ninyo tungkol sa Cristo? Kanino siyang anak?”

“Kay David po,” sagot nila.

43 Sabi ni Jesus, “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na ‘Panginoon’ noong pinapatnubayan siya ng Espiritu? Ganito ang kanyang sinabi,

44 ‘Sinabi(N) ng Panginoon sa aking Panginoon:
    Maupo ka sa kanan ko,
    hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

45 Ngayon, kung si David ay tumawag sa kanya ng ‘Panginoon,’ paanong masasabing anak ni David ang Cristo?” 46 Isa man sa kanila'y walang nakasagot, at mula noo'y wala nang nangahas magtanong sa kanya.