Mateo 2:1-2
Ang Biblia (1978)
2 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea (A)sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem (B)mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,
2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't (C)aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.
Read full chapter
Mateo 2:9-12
Ang Biblia (1978)
9 At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol.
10 At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak.
11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na (A)ginto at kamangyan at (B)mira.
12 At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios (C)sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978