Matthew 18
King James Version
18 At the same time came the disciples unto Jesus, saying, Who is the greatest in the kingdom of heaven?
2 And Jesus called a little child unto him, and set him in the midst of them,
3 And said, Verily I say unto you, Except ye be converted, and become as little children, ye shall not enter into the kingdom of heaven.
4 Whosoever therefore shall humble himself as this little child, the same is greatest in the kingdom of heaven.
5 And whoso shall receive one such little child in my name receiveth me.
6 But whoso shall offend one of these little ones which believe in me, it were better for him that a millstone were hanged about his neck, and that he were drowned in the depth of the sea.
7 Woe unto the world because of offences! for it must needs be that offences come; but woe to that man by whom the offence cometh!
8 Wherefore if thy hand or thy foot offend thee, cut them off, and cast them from thee: it is better for thee to enter into life halt or maimed, rather than having two hands or two feet to be cast into everlasting fire.
9 And if thine eye offend thee, pluck it out, and cast it from thee: it is better for thee to enter into life with one eye, rather than having two eyes to be cast into hell fire.
10 Take heed that ye despise not one of these little ones; for I say unto you, That in heaven their angels do always behold the face of my Father which is in heaven.
11 For the Son of man is come to save that which was lost.
12 How think ye? if a man have an hundred sheep, and one of them be gone astray, doth he not leave the ninety and nine, and goeth into the mountains, and seeketh that which is gone astray?
13 And if so be that he find it, verily I say unto you, he rejoiceth more of that sheep, than of the ninety and nine which went not astray.
14 Even so it is not the will of your Father which is in heaven, that one of these little ones should perish.
15 Moreover if thy brother shall trespass against thee, go and tell him his fault between thee and him alone: if he shall hear thee, thou hast gained thy brother.
16 But if he will not hear thee, then take with thee one or two more, that in the mouth of two or three witnesses every word may be established.
17 And if he shall neglect to hear them, tell it unto the church: but if he neglect to hear the church, let him be unto thee as an heathen man and a publican.
18 Verily I say unto you, Whatsoever ye shall bind on earth shall be bound in heaven: and whatsoever ye shall loose on earth shall be loosed in heaven.
19 Again I say unto you, That if two of you shall agree on earth as touching any thing that they shall ask, it shall be done for them of my Father which is in heaven.
20 For where two or three are gathered together in my name, there am I in the midst of them.
21 Then came Peter to him, and said, Lord, how oft shall my brother sin against me, and I forgive him? till seven times?
22 Jesus saith unto him, I say not unto thee, Until seven times: but, Until seventy times seven.
23 Therefore is the kingdom of heaven likened unto a certain king, which would take account of his servants.
24 And when he had begun to reckon, one was brought unto him, which owed him ten thousand talents.
25 But forasmuch as he had not to pay, his lord commanded him to be sold, and his wife, and children, and all that he had, and payment to be made.
26 The servant therefore fell down, and worshipped him, saying, Lord, have patience with me, and I will pay thee all.
27 Then the lord of that servant was moved with compassion, and loosed him, and forgave him the debt.
28 But the same servant went out, and found one of his fellowservants, which owed him an hundred pence: and he laid hands on him, and took him by the throat, saying, Pay me that thou owest.
29 And his fellowservant fell down at his feet, and besought him, saying, Have patience with me, and I will pay thee all.
30 And he would not: but went and cast him into prison, till he should pay the debt.
31 So when his fellowservants saw what was done, they were very sorry, and came and told unto their lord all that was done.
32 Then his lord, after that he had called him, said unto him, O thou wicked servant, I forgave thee all that debt, because thou desiredst me:
33 Shouldest not thou also have had compassion on thy fellowservant, even as I had pity on thee?
34 And his lord was wroth, and delivered him to the tormentors, till he should pay all that was due unto him.
35 So likewise shall my heavenly Father do also unto you, if ye from your hearts forgive not every one his brother their trespasses.
Mateo 18
Ang Salita ng Diyos
Sino ang Pinakadakila?
18 Nang oras na iyon, lumapit ang mga alagad kay Jesus na sinasabi: Sino ang pinakadakila sa paghahari ng langit?
2 Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at inilagay sa kalagitnaan nila. 3 Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay magbago at tumulad sa maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit. 4 Kaya nga, ang sinumang magpapakumbaba katulad ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa paghahari ng langit.
5 Sinumang tumanggap sa isa sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, ako ang tinatanggap. 6 Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat.
Mga Kadahilanan ng Pagkatisod
7 Sa aba ng sangkatauhan dahil sa mga katitisuran. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi mawawala ang mga kadahilanan ng pagkatisod.Ngunit sa aba ng taong pinanggalingan ng pagkatisod.
8 Kaya nga, kung ang iyong kamay o ang iyong paa ang makakapagpatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay kaysa may dalawang kamay o dalawang paa, ngunit ihahagis naman sa apoy na walang hanggan. 9 Kung ang iyong mata ang makakapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na mayisang mata, kaysa may dalawang mata, ngunit ihahagis naman sa apoy ng impiyerno.
Ang Talinghaga ng Tupang Nawawala
10 Ingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: Ito ay sapagkat ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama na nasa langit.
11 Ito ay sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang iligtas ang nawawala.
12 Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isangdaang tupa at ang isa sa mga ito ay naligaw, hindi ba niya iiwanan ang siyamnapu’t siyam at aakyat sa mga bundok at hahanapin ang naligaw? 13 Kapag natagpuan niya ito, sinasabi ko sa inyo ang totoo: Higit niyang ikagagalak ang patungkol sa natagpuang tupang naligaw kaysa sa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.
Kung ang Kapatid mo ay Magkasala sa Iyo
15 Gayunman, kapag ang iyong kapatid na lalaki ay magkasala sa iyo, puntahan mo siya, sabihin mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na kayong dalawa lang. Kung pakinggan ka niya, napanumbalik mo ang iyong kapatid.
16 Ngunit kung ayaw ka niyang pakinggan, magsama ka ng isa o dalawa pa upang sa bibig ng dalawa o tatlo pang mga saksi, ang bawat salita ay mapagtibay. 17 Kung ayaw niya silang pakinggan, sabihin ito sa iglesiya. At kung ang iglesiya man ay ayaw niyang pakinggan, ituring mo na siyang Gentil o maniningil ng buwis.
18 Sinasabi ko sa inyo ang totoo: Anuman ang inyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang inyong kakalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
19 Muli kong sinasabi sa inyo: Kapag ang dalawa sa inyo ay magkaisa rito sa lupa sa paghingi ng anumang bagay, ipagkakaloob ito sa kanila ng aking Ama na nasa langit. 20 Ito ay sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.
Ang Talinghaga Patungkol sa Alipin na di Marunong Magpatawad
21 Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba?
22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.
23 Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na ibig maningil sa kaniyang mga alipin. 24 Nang magsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang sa kaniya ng sampung libong talento. 25 Ngunit sa dahilang wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kaniyang asawa, mga anak at lahat ng kaniyang tinatangkilik upang makabayad.
26 Ang alipin nga ay lumuhod at sinamba siya na sinasabi: Panginoon, pagpasensyahan mo muna ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko. 27 Kaya ang panginoon ng aliping iyon ay nahabag at pinawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
28 Ngunit paglabas ng alipin ding iyon, nakita niya ang kaniyang kapwa alipin na may utang sa kaniya ng isangdaang denaryo. Hinawakan niya ito at sinakal na sinabi: Bayaran mo ang utang mo sa akin.
29 Ang kaniyang kapwa alipin ay nagpatirapa sa kaniyang paanan. Nagmakaawa siya sa kaniya na sinasabi: Pagpasensyahan mo ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko.
30 Ngunit ayaw niyang pumayag. Sa halip, ipinabilanggo niya ito hanggang sa makabayad ng kaniyang utang. 31 Kaya nang makita ng mga kapwa niya alipin ang nangyari, labis silang namighati. Lumapit sila sa kanilang panginoon at sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.
32 Kaya, nang maipatawag na siya ng kaniyang panginoon, sinabi sa kaniya: O, ikaw na masamang alipin, pinatawad ko ang lahat mong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. 33 Hindi ba nararapat na mahabag ka rin sa iyong kapwa alipin katulad nang pagkahabag ko sa iyo? 34 Sa matinding galit ng kaniyang panginoon, ibinigay siya sa mga tagapagpahirap sa bilangguan hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang utang.
35 Gayundin naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kapag hindi kayo nagpatawad nang taos sa inyong puso sa bawat kapatid sa kanilang pagsalangsang.
Copyright © 1998 by Bibles International