Add parallel Print Page Options

13 Kaya,(A) humayo kayo at pag-aralan ninyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog.’ Sapagkat hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Tinanong si Jesus tungkol sa Pag-aayuno(B)

14 Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi, “Bakit kami at ang mga Fariseo ay nag-aayuno[a] ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?”

15 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Maaari bang magluksa ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay kukunin sa kanila, at saka sila mag-aayuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 9:14 Sa ibang mga kasulatan ay may salitang madalas .