Add parallel Print Page Options

Paghatol sa Kapwa(A)

“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. Sapagkat(B) hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

“Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang banal na bagay, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.”

Humingi, Humanap, Kumatok(C)

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

12 “Gawin(D) ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Ang Makipot na Pintuan(E)

13 “Pumasok(F) kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. 14 Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”

Sa Gawa Makikilala(G)

15 “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. 16 Makikilala(H) ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? 17 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. 18 Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. 19 Ang(I) bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 20 Kaya't(J) makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”

Hindi Ko Kayo Kilala(K)

21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ 23 Ngunit(L) sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”

Sa Bato o sa Buhanginan?(M)

24 “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 25 Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. 26 Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. 27 Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.”

Ang Kapangyarihan ni Jesus

28 Namangha(N) kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang kanyang pagtuturo 29 sapagkat nagturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.

不可判斷(A)

“不可判斷人,免得你們被判斷。 你們怎樣判斷人,也必怎樣被判斷;你們用甚麼標準衡量人,也必照樣被衡量。 為甚麼看見你弟兄眼中的木屑,卻不理會自己眼中的梁木呢? 你自己眼中有梁木,怎能對弟兄說:‘讓我除掉你眼中的木屑’呢? 偽君子啊!先除掉你眼中的梁木,才可以看得清楚,去除掉弟兄眼中的木屑。 不要把聖物給狗,也不要把你們的珍珠丟在豬前,免得牠們用腳把珍珠踐踏,又轉過來猛噬你們。

祈求就必得著(B)

“你們祈求,就給你們;尋找,就尋見;叩門,就給你們開門。 因為凡祈求的就得著,尋找的就尋見,叩門的就給他開門。 你們中間哪一個人,兒子向他要餅,反給他石頭; 10 要魚,反給他蛇呢? 11 你們雖然邪惡,尚且知道把好東西給兒女,何況你們在天上的父,難道不更把好東西賜給求他的人嗎? 12 所以,你們願意人怎樣待你們,你們也要怎樣待人,這是律法和先知的總綱。

13 “你們當進窄門,因為引到滅亡的門是寬的,路是大的,進去的人也多; 14 但引到生命的門是窄的,路是小的,找著的人也少。

壞樹不能結好果子(C)

15 “提防假先知!他們披著羊皮到你們當中,裡面卻是殘暴的狼。 16 憑著他們的果子就可以認出他們來:荊棘裡怎能摘到葡萄?蒺藜裡怎能摘到無花果呢? 17 照樣,好樹結好果子,壞樹結壞果子; 18 好樹不能結壞果子,壞樹也不能結好果子。 19 凡是不結好果子的樹,就被砍下來,丟在火中。 20 因此你們憑著他們的果子就可以認出他們來。

21 “不是每一個對我說:‘主啊,主啊!’的人,都能進入天國,唯有遵行我天父旨意的人,才能進去。 22 到那日,必有許多人對我說:‘主啊,主啊!難道我們沒有奉你的名講道,奉你的名趕鬼,奉你的名行過許多神蹟嗎?’ 23 但我必向他們聲明:‘我從來不認識你們;你們這些作惡的人,離開我去吧!’

聽道要行道(D)

24 “所以,凡聽見我這些話又遵行的,就像聰明的人,把自己的房子蓋在磐石上。 25 雨淋、水沖、風吹,搖撼那房子,房子卻不倒塌,因為建基在磐石上。 26 凡聽見我這些話卻不遵行的,就像愚蠢的人,把自己的房子蓋在沙土上。 27 雨淋、水沖、風吹,搖撼那房子,房子就倒塌了,並且倒塌得很厲害。”

28 耶穌講完了這些話,群眾都驚奇他的教訓。 29 因為耶穌教導他們,像一個有權柄的人,不像他們的經學家。