Add parallel Print Page Options

21 Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan ay naghayag kami ng salita katulad ng mga propeta, at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming himala? 23 Pagkatapos nito ay ipahahayag ko sa kanila: Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos.

Read full chapter