Add parallel Print Page Options

Kaya manalangin kayo ng katulad nito:

    ‘Ama naming nasa langit,
    sambahin nawa kayo ng mga tao.[a]
10 Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari,
    at masunod ang inyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan nʼyo po kami ng aming pagkain sa araw-araw.
12 Patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,
    tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.
13 At huwag nʼyo kaming hayaang matukso
    kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas.[b]
    [Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:9 sambahin … mga tao: sa literal, sambahin ang pangalan ninyo.
  2. 6:13 Satanas: sa literal, Masama.