Add parallel Print Page Options

15 Ngunit kung hindi ninyo patawarin ang mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong pagsalangsang.

Ang Pag-aayuno

16 Kapag kayo ay mag-aayuno, huwag ninyong tularan ang mga mapagpaimbabaw na pinapalungkot ang kanilang mukha. Ito ay sapagkat pinasasama nila ang anyo ng kanilang mga mukha upang makita ng mga tao na sila ay nag-aayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

17 Ngunit kung mag-aayuno ka, langisan mo ang iyong ulo at maghilamos ka ng iyong mukha.

Read full chapter