Add parallel Print Page Options

Pinagpala ang mga mapagpakumbabang-loob sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit. Pinagpala ang mga nahahapis sapagkat sila ay aaliwin. Pinagpala ang mga maaamo sapagkat mamanahin nila ang lupa. Pinagpala ang mga nagugutom at mga nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin. Pinagpala ang mga maha­bagin sapagkat kahahabagan sila. Pinagpala ang mga may dalisay na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.

Read full chapter