Font Size
Mateo 5:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 5:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 “Pinagpala(A) ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan][a] nang dahil sa akin. 12 Magsaya(B) kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”
Asin at Ilaw(C)
13 “Kayo(D) ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?
Read full chapterFootnotes
- 11 na pawang kasinungalingan: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.