Add parallel Print Page Options

Siya'y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya't siya'y nagutom. Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito.” Ngunit(A) sumagot si Jesus, “Nasusulat,

‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
    kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”

Read full chapter