Mateo 3
Magandang Balita Biblia
Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)
3 Nang mga panahong iyon, dumating si Juan na Tagapagbautismo sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. 2 Ganito(B) ang kanyang sinasabi, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!” 3 Si(C) Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya,
“Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
4 Gawa(D) sa balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at sa balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan. 5 Dinarayo siya ng mga tao mula sa Jerusalem, sa buong Judea at sa magkabilang panig ng Ilog Jordan. 6 Ipinapahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
7 Nang(E) makita niyang lumalapit din sa kanya ang maraming Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Lahi ng mga ulupong! Akala ba ninyo'y makakatakas kayo sa parusa ng Diyos? 8 Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo'y talagang nagsisisi, 9 at(F) huwag ninyong akalain na makakaiwas kayo sa parusa ng Diyos dahil sinasabi ninyong ama ninyo si Abraham. Sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham. 10 Ngayon(G) pa lamang ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.
11 “Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang patunay ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ay magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas. 12 Hawak(H) na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo ngunit ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”
Binautismuhan si Jesus(I)
13 Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. 14 Ngunit tinangka ni Juan na pigilan siya at sinabi, “Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?” 15 Subalit sumagot si Jesus, “Hayaan mong ito ang mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” Kaya't pumayag din si Juan. 16 Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya. 17 At(J) isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”
Matthieu 3
La Bible du Semeur
L’Évangile du royaume
Jean-Baptiste, messager de Dieu(A)
3 En ce temps-là, parut Jean-Baptiste. Il se mit à prêcher dans le désert de Judée[a]. 2 Il disait : Changez[b], car le royaume[c] des cieux est proche.
3 C’est Jean que le prophète Esaïe a annoncé lorsqu’il a dit :
On entend la voix de quelqu’un ╵qui crie dans le désert :
Préparez le chemin pour le Seigneur,
faites-lui des sentiers droits[d] .
4 Jean portait un vêtement de poils de chameau maintenu autour de la taille par une ceinture de cuir. Il se nourrissait de sauterelles et de miel sauvage. 5 On venait à lui de Jérusalem, de la Judée entière et de toutes les contrées riveraines du Jourdain. 6 Tous se faisaient baptiser par lui dans le Jourdain, en reconnaissant publiquement leurs péchés.
(Lc 3.7-9)
7 Beaucoup de pharisiens et de sadducéens venaient se faire baptiser par lui. Il leur dit : Espèces de vipères ! Qui vous a enseigné à fuir la colère de Dieu qui va se manifester ? 8 Produisez plutôt pour fruits des actes qui montrent que vous avez changé. 9 Ne vous imaginez pas qu’il vous suffit de répéter en vous-mêmes : « Nous sommes les descendants d’Abraham ! » Car, regardez ces pierres : je vous déclare que Dieu peut en faire des enfants d’Abraham.
10 La hache est déjà sur le point d’attaquer les arbres à la racine. Tout arbre qui ne produit pas de bon fruit sera coupé et jeté au feu.
11 Moi, je vous baptise dans l’eau, en signe d’un profond changement. Mais quelqu’un vient après moi : il est bien plus puissant que moi et je ne suis même pas digne de lui enlever les sandales. C’est lui qui vous baptisera dans le Saint-Esprit et le feu. 12 Il tient en main sa pelle à vanner[e]. Il va nettoyer son aire de battage et amasser le blé dans son grenier. Quant à la bale, il la brûlera dans un feu qui ne s’éteindra pas.
Le baptême de Jésus(B)
13 C’est à cette époque que parut Jésus. Il se rendit de la Galilée au Jourdain, auprès de Jean, pour être baptisé par lui. 14 Mais Jean essaya de l’en dissuader. Il lui disait : C’est moi qui ai besoin d’être baptisé par toi, et c’est toi qui viens à moi !
15 Jésus lui répondit : Accepte, pour le moment, qu’il en soit ainsi ! Car c’est de cette manière qu’il nous convient d’accomplir tout ce que Dieu considère comme juste.
Là-dessus, Jean accepta de le baptiser.
16 Aussitôt après avoir été baptisé, Jésus sortit de l’eau. Alors le ciel s’ouvrit pour lui[f] et il vit l’Esprit de Dieu descendre sous la forme d’une colombe et venir sur lui. 17 Une voix venant du ciel déclara : Celui-ci est mon Fils bien-aimé, celui qui fait toute ma joie[g].
Footnotes
- 3.1 désert de Judée: région aride et presque inhabitée située entre Jérusalem et le cours inférieur du Jourdain ou la mer Morte.
- 3.2 Autres traductions : repentez-vous ou changez d’attitude ou changez de comportement.
- 3.2 D’autres comprennent : le règne.
- 3.3 Es 40.3 cité selon l’ancienne version grecque.
- 3.12 pelle à vanner: instrument servant à lancer le blé en l’air pour que le vent emporte la bale (la paille) qui enveloppe le grain. D’autres y voient une pelle servant à nettoyer l’aire de battage après le vannage.
- 3.16 L’expression pour lui est absente de plusieurs manuscrits.
- 3.17 Allusion à Es 42.1.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
La Bible Du Semeur (The Bible of the Sower) Copyright © 1992, 1999 by Biblica, Inc.®
Used by permission. All rights reserved worldwide.