Add parallel Print Page Options

17 (A)At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong (B)Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Read full chapter

(A)At nangyari nang mga araw na yaon, na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan.

10 At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang (B)Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya:

11 At may isang tinig na nagmula sa mga langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.

Read full chapter

21 Nangyari nga, (A)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (B)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

Read full chapter