Mateo 28:18-20
Ang Biblia (1978)
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, (A)Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
19 (B)Dahil dito magsiyaon nga kayo, (C)at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at (D)narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Read full chapter
Juan 17:18
Ang Biblia (1978)
18 Kung paanong (A)ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
Read full chapter
2 Timoteo 2:2
Ang Biblia (1978)
2 At (A)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (B)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
Read full chapter
Mga Hebreo 3:1
Ang Biblia (1978)
3 Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa (A)pagtawag ng kalangitan, inyong isipin (B)ang Apostol at (C)Dakilang Saserdote na ating (D)kinikilala, si Jesus;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978