Add parallel Print Page Options

19 Bukod dito, nang si Pilato ay nakaupo sa hukuman, nagpasabi ang kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa usapin ng taong iyan. Wala siyang kasalanan. Labis akong nahirapan dahil sa aking panaginip kagabi tungkol sa kanya.”

20 Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan[a] na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay. 21 Muli silang tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”

“Si Barabbas!” sigaw ng mga tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20 pinuno ng bayan: Sa Griego ay matatanda .