Add parallel Print Page Options

56 Ngunit ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang mga sulat ng mga propeta.Nang magkagayon, iniwan siya ng mga alagad at sila ay tumakas.

Si Jesus sa Harap ng mga Sanhedrin

57 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kaniya kay Caifas, ang pinakapunong-saserdote. Doon ay nagkakatipon ang mga guro ng kautusan at ang mga matanda.

58 Ngunit si Pedro ay sumunod sa kaniya nang hindi kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong-saserdote. Siya ay pumasok sa loob at naupong kasama ng mga tanod sa templo upang makita kung ano ang magaganap.

Read full chapter