Add parallel Print Page Options

37 Isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedee. Nagsimulang mabagabag at maghinagpis nang lubos si Jesus, 38 at sinabi niya sa kanila, “Para akong mamamatay sa labis na kalungkutan. Dito lang kayo at magpuyat.” 39 Lumayo siya nang kaunti, lumuhod at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating.[a] Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:39 ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito.