Add parallel Print Page Options

31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay (A)mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, (B)Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.

32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay (C)mauuna ako sa inyo sa Galilea.

33 Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, (D)ako kailan ma'y hindi magdaramdam.

34 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, (E)bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.

35 Sinabi sa kaniya ni Pedro, (F)Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.

Read full chapter

31 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni (A)Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

32 Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik (B)ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung (C)makapagbalik ka nang muli, ay (D)papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

33 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at (E)sa kamatayan.

34 At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, (F)Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.

Read full chapter

36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, (A)saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: (B)nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.

37 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? (C)Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.

38 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok (D)ang manok, (E)hanggang ikaila mo akong makaitlo.

Read full chapter