Add parallel Print Page Options

17 (A)Nang (B)unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua?

18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan (C)sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi (D)ng Guro, malapit na ang (E)aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.

19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.

20 (F)Nang dumating nga ang gabi, (G)ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;

21 At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, (H)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

22 At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?

23 At siya'y sumagot at sinabi, (I)Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.

24 (J)Ang Anak ng tao ay papanaw, (K)ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't (L)sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.

25 At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay (M)sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.

Read full chapter

(A)At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kinakailangang ihain ang paskua.

At sinugo niya si Pedro at si Juan, na sinasabi, Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin, upang tayo'y magsikain.

At kanilang sinabi sa kaniya, Saan mo ibig na aming ihanda?

10 At kaniyang sinabi sa kanila, Narito, pagpasok ninyo sa bayan, ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan.

11 At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro sa iyo, Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?

12 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan: doon ninyo ihanda.

13 At nagsiparoon sila, at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua.

14 At nang dumating ang oras, ay (B)naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya.

Read full chapter

21 Datapuwa't (A)narito, ang kamay ng nagkakanulo sa akin, ay kasalo ko sa dulang.

22 Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya!

23 At sila'y nagpasimulang nangagtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.

Read full chapter

21 Nang masabing gayon ni Jesus, (A)siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, (B)Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

22 Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita.

23 Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, (C)na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.

24 Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya.

25 Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon?

26 Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at (D)ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.

27 At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay (E)pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.

28 Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito.

29 Sapagka't iniisip ng ilan, na (F)sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan (G)sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha.

30 Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.

Read full chapter