Font Size
Mateo 26:14-16
Ang Biblia (1978)
Mateo 26:14-16
Ang Biblia (1978)
14 (A)Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na (B)Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote,
15 At sinabi, (C)Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng (D)tatlongpung putol na pilak.
16 At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.
Read full chapter
Marcos 14:10-11
Ang Biblia (1978)
Marcos 14:10-11
Ang Biblia (1978)
10 At si Judas Iscariote, na (A)isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila.
11 At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978