Add parallel Print Page Options

34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.

35 Ang langit at ang lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Walang Taong Nakakaalam ng Araw o Oras na Iyon(A)

36 “Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, ni ang Anak[a] kundi ang Ama lamang.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 24:36 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang ni ang Anak .