Add parallel Print Page Options

28 Ito ay sapagkat kung nasaan ang bangkay, doon nagtitipon ang mga buwitre.

29 Pagkatapos ng mga paghihirap sa mga araw na iyon,

kaagad ang araw ay magdidilim. Ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at ang mga bituin ay babagsak mula sa langit. Ang mga kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig.

30 Pagkatapos ay makikita ang mga tanda ng Anak ng Tao sa langit. Pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng lupa. Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Read full chapter