Add parallel Print Page Options

27 Sapagkat ako na Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran na makikita ng lahat. 28 May kasabihan na, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’ ”[a]

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo(A)

29 “Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay[b] sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:28 buwitre: sa Ingles vulture, isang malaking ibon na kumakain ng bangkay.
  2. 24:29 mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan.