Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat sila ay nagtatali ng mga mabibigat na pasanin na mahirap dalhin at inilalagay sa mga balikat ng mga tao. Ngunit ayaw man lamang nila itong maigalaw ng kanilang mga daliri.

Lahat ng kanilang mga gawa ay kanilang ginagawa upang makita ng mga tao. Iyan ang dahilan na pinalalapad nila ang kanilang mga pilakterya[a] at pinalalaki ang mga laylayan ng kanilang mga damit. Inibig nila ang pangunahing dako sa mga hapunan at ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 23:5 Isang maliit na bagay na isinusuot ng mga Fariseo sa kanilang pagsamba lalo na kung sila ay nananalangin.