Add parallel Print Page Options

Nagpapataw sila ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon. Pawang(A) pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga lalagyan ng talata sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit.[a] Ang nais nila ay ang mga upuang pandangal sa mga handaan at ang mga pangunahing upuan sa sinagoga.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5 PALAWIT SA...DAMIT: Naglalagay ang mga Judio ng palawit sa laylayan ng kanilang damit bilang simbolo ng kanilang pagmamahal sa Diyos (Mga Bilang 15:37-41).