Mateo 22:34-40
Ang Biblia (1978)
34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
35 At isa sa kanila, na (A)tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37 At sinabi sa kaniya, (B)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
39 At ang pangalawang katulad ay ito, (C)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Read full chapter
Lucas 10:25-28
Ang Biblia (1978)
25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, (A)Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?
26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?
27 At pagsagot niya'y sinabi, (B)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; (C)at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978