Add parallel Print Page Options

42 Nagpatuloy(A) si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
    ang siyang naging batong-panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
    at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’

43 “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong masunurin sa kalooban ng Diyos. [44 Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.]”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 44 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 44.