Font Size
Mateo 21:42-44
Ang Biblia (1978)
Mateo 21:42-44
Ang Biblia (1978)
42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,
(A)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?
43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (B)Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.
44 At ang (C)mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978