Font Size
Mateo 21:12-14
Magandang Balita Biblia
Mateo 21:12-14
Magandang Balita Biblia
Nagalit si Jesus(A)
12 Pumasok si Jesus sa Templo at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda at namimili roon. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. 13 Sinabi(B) niya, “Sinasabi sa Kasulatan,
‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’
Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
14 Habang si Jesus ay nasa Templo, lumapit sa kanya ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kanyang pinagaling.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.