Add parallel Print Page Options

Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. Ito(A) ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya][a] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”[b]

10 Sinabi naman ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 itinutulak niya...na mangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. 9 at ang mag-asawa...ng pangangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.