Mateo 19:28
Ang Biblia (1978)
28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa (A)pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, (B)kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, (C)upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.
Read full chapter
Lucas 22:29-30
Ang Biblia (1978)
29 At kayo'y inihahalal kong (A)isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,
30 (B)Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; (C)at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.
Read full chapter
1 Corinto 6:2
Ang Biblia (1978)
2 O hindi baga ninyo nalalaman na (A)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
Read full chapter
Apocalipsis 3:21
Ang Biblia (1978)
21 Ang magtagumpay, (A)ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na (B)nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.
Read full chapter
Apocalipsis 20:4
Ang Biblia (1978)
4 At nakakita ako ng mga (A)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (B)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (C)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (D)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (E)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (F)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978