Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga ng Tupang Nawawala

10 Ingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: Ito ay sapagkat ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama na nasa langit.

11 Ito ay sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang iligtas ang nawawala.

12 Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isangdaang tupa at ang isa sa mga ito ay naligaw, hindi ba niya iiwanan ang siyamnapu’t siyam at aakyat sa mga bundok at hahanapin ang naligaw?

Read full chapter