Add parallel Print Page Options

17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, (A)Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng (B)laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.

18 At sinasabi ko naman sa iyo, na (C)ikaw ay Pedro, at (D)sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at (E)ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

19 Ibibigay ko sa iyo (F)ang mga susi ng kaharian ng langit: (G)at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

Read full chapter