Add parallel Print Page Options

Ang Pahayag ni Pedro Patungkol sa Mesiyas

13 Nang makarating si Jesus sa mga lupain ng Cesarea Filipo, tinanong niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ba ako na Anak ng Tao?

14 Sinabi nila: Ang sabi ng iba: Si Juan na tagapagbawtismo.Ang sabi ng ilan: Si Elias. At ang iba ay nagsabing ikaw si Jeremias, o isa sa mga propeta.

15 Sinabi niya sa kanila: Ngunit ayon sa inyo sino ako?

16 Sumagot si Simon Pedro: Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na buhay.

17 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas sapagkat hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at dugo kundi ng aking Ama na nasa langit. 18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. 20 Pagkatapos, ipinagbilin niya sa kaniyang mga alagad na huwag nilang sabihin kaninuman na siya ay si Jesus, ang Mesiyas.

Read full chapter