Mateo 14:1-2
Ang Biblia, 2001
Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(A)
14 Nang panahong iyon ay narinig ng tetrarkang[a] si Herodes ang balita tungkol kay Jesus.
2 At sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo na muling binuhay[b] sa mga patay; kaya't nagagawa niya ang mga kababalaghang ito.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 14:1 pinuno ng ikaapat na bahagi ng isang teritoryo .
- Mateo 14:2 Sa Griyego ay ibinangon .
Marcos 6:14-15
Ang Biblia, 2001
Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(A)
14 Nabalitaan(B) ito ni Haring Herodes, sapagkat ang pangalan ni Jesus ay naging tanyag. Sinasabi ng iba, “Si Juan na Tagapagbautismo ay muling nabuhay mula sa mga patay at dahil dito, gumagawa ang mga kapangyarihang ito sa kanya.”
15 Ngunit sinasabi ng iba, “Siya'y si Elias.” At sinasabi naman ng iba, “Siya'y propeta, na tulad ng isa sa mga propeta noong una.”
Read full chapter
Lucas 9:7-8
Ang Biblia, 2001
Naguluhan si Herodes(A)
7 Nabalitaan(B) noon ni Herodes na tetrarka ang lahat nang nangyari at siya'y naguluhan, sapagkat sinasabi ng ilan na si Juan ay muling binuhay mula sa mga patay,
8 at ng ilan na si Elias ay nagpakita, at ng mga iba, na isa sa mga propeta noong unang panahon ay bumangon.
Read full chapter