Mateo 13
Magandang Balita Biblia
Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)
13 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil(B) sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Ganito ang sinabi niya:
“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang matitinik at sinakal ng mga ito ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!”
Ang Layunin ng mga Talinghaga(C)
10 Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa kanila?” 11 Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Sapagkat(D) ang mayroon ay bibigyan pa, at lalong magkakaroon; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man. 14 Natutupad(E) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,
‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman,
at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman.
15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata,
kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sila sa akin,
at pinagaling ko sila.’
16 “Subalit(F) pinagpala kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”
Ipinaliwanag ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(G)
18 “Makinig kayo at unawain ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at masayang tumatanggap nito 21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.
22 “Ang binhi namang nahulog sa may matitinik na halaman ay ang mga taong nakikinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, nawawalan ng puwang sa kanilang puso ang mensahe at hindi ito nagkakaroon ng bunga.
23 “At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”
Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan
24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, ‘Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ 28 Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga damo?’ 29 ‘Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,’ sagot niya. 30 ‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”
Talinghaga tungkol sa Buto ng Mustasa(H)
31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinghaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”
Talinghaga tungkol sa Pampaalsa(I)
33 Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang talinghaga. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, hanggang umalsa ang buong masa ng harina.”
Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinghaga(J)
34 Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinghaga. 35 Sa(K) gayon, natupad ang sinabi ng propeta:[a]
“Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinghaga,
ihahayag ko ang mga bagay na inilihim mula pa nang likhain [ang daigdig].”[b]
Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan
36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid.” 37 Sumagot si Jesus, “Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!”
Ang Natatagong Kayamanan
44 “Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon.”
Ang Perlas na Mahalaga
45 “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. 46 Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.”
Ang Lambat
47 “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. 48 Nang mapuno ang lambat, hinila ito sa pampang. Naupo ang mga tao habang tinitipon nila sa sisidlan ang mabubuting isda at itinatapon naman ang mga isdang hindi mapapakinabangan. 49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid, 50 at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”
Kayamanang Bago at Luma
51 “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Jesus. “Opo,” sagot nila. 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat tagapagturo ng Kautusan na tinuruan tungkol sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang taguan ng kayamanan.”
Si Jesus ay Hindi Tinanggap sa Nazaret(L)
53 Umalis si Jesus mula roon matapos niyang isalaysay ang mga talinghagang ito. 54 Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kaya't kanilang itinanong, “Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 55 Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natutuhan ang lahat ng iyan?” 57 At(M) siya'y hindi nila pinaniwalaan.
Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” 58 At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya gumawa roon ng maraming himala.
Footnotes
- Mateo 13:35 sinabi ng propeta: Sa ibang manuskrito'y sinabi ng propeta Isaias .
- Mateo 13:35 ang daigdig: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Matthew 13
The Voice
13 That same day, Jesus left the house and went to sit by the sea. 2 Large crowds gathered around Him, and He got into a boat on the sea and sat there. The crowd stood on the shore waiting for His teaching.
This next sermon series, the third of Jesus’ five Mosaic-like sermons, is filled with parables or stories with a deeper meaning about the kingdom of heaven.
3 And so Jesus began to teach. On this day, He spoke in parables. Here is His first parable:
Jesus: Once there was a sower who scattered seeds. 4 One day he walked in a field scattering seeds as he went. Some seeds fell beside a road, and a flock of birds came and ate all those seeds. 5 So the sower scattered seeds in a field, one with shallow soil and strewn with rocks. But the seeds grew quickly amid all the rocks, 6 without rooting themselves in the shallow soil. Their roots got tangled up in all the stones. The sun scorched these seeds, and they died. 7 And so the sower scattered seeds near a path, this one covered with thorny vines. The seeds fared no better there—the thorns choked them, and they died. 8 And so finally the sower scattered his seeds in a patch of good earth. At home in the good earth, the seeds grew and grew. Eventually the seeds bore fruit, and the fruit grew ripe and was harvested. The harvest was immense—30, 60, 100 times what was sown.
9 He who has ears to hear, let him hear.
Disciples: 10 Why do You speak to the people in parables?
Jesus: 11 The knowledge of the secrets of heaven has been given to you, but it has not been given to them. 12 Those who have something will be given more—and they will have abundance. Those who have nothing will lose what they have—they will be destitute. 13 I teach in parables so the people may look but not see, listen but not hear or understand.[a] 14 They are fulfilling Isaiah’s prophecy:
You will listen, but you will not understand;
you will look, but you will not see.
15 The people’s hearts have turned to flab;
their ears are clogged;
their eyes are shut.
They will try to see, but they will not see;
they will try to hear, but they will not hear;
they will try to understand, but they will not comprehend.
If they, with their blindness and deafness, so choose, then I will heal them.[b]
16-17 Many holy prophets and righteous men and women and people of prayer and doers of good have wanted to see but did not see, and have wanted to hear but did not hear. Your eyes and ears are blessed.
18 This is what the parable of the sower means. 19 It is about the kingdom of heaven. When someone hears the story of the Kingdom and cannot understand it, the evil one comes and snatches away whatever goodness and holiness had been sown in the heart. This is like the seeds sown beside the road. 20-21 You know people who hear the word of God and receive it joyfully—but then, somehow, the word fails to take root in their hearts. It is temporary. As soon as there is trouble for those people, they trip: those people are the seeds strewn on the rocky soil. 22 And you know people who hear the word, but it is choked inside them because they constantly worry and prefer the wealth and pleasures of the world: they prefer drunken dinner parties to prayer, power to piety, and riches to righteousness. Those people are like the seeds sown among thorns. 23 The people who hear the word and receive it and grow in it—those are like the seeds sown on good soil. They produce a bumper crop, 30 or 60 or 100 times what was sown.
Our Father in heaven plants many seeds in order to ensure that some seeds bear fruit. The final harvest, however, is worth any amount of hard work.
24 Jesus told them another parable.
Jesus: The kingdom of heaven is like this: Once there was a farmer who sowed good seeds in his field. 25 While the farmer’s workers were sleeping, his enemy crept into the field and sowed weeds among all the wheat seeds. Then he snuck away again. 26 Eventually the crops grew—wheat, but also weeds. 27 So the farmer’s workers said to him, “Sir, why didn’t you sow good seeds in your field? Where did these weeds come from?”
28 “My enemy must have done this,” replied the farmer.
“Should we go pull up all the weeds?” asked his workers.
29 “No,” said the farmer. “It’s too risky. As you pull up the weeds, you would probably pull up some wheat as well. 30 We’ll let them both grow until harvesttime. I will tell the harvesters to collect the weeds and tie them in bundles to be burned, and only then to harvest the wheat and bring it to my barn.”
31 Jesus told them another parable.
Jesus: The kingdom of heaven is like a mustard seed, which a sower took and planted in his field. 32 Mustard seeds are minute, tiny—but the seeds grow into trees. Flocks of birds can come and build their nests in the branches.
33 And Jesus told a fourth parable.
Jesus: Imagine a woman preparing a loaf of bread. The kingdom of heaven is like the leaven she folds into her dough. She kneads and kneads until the leaven is worked into all the dough.
Without the leaven, the dough remains flat. But the secret is the almost invisible leaven making her loaves fluff and rise.
34 Jesus gave all these teachings to the crowd in parables. Indeed, He spoke only in parables 35 in fulfillment of the prophetic words of the psalms:
I will open My mouth in parables;
I will tell them things that have been hidden and obscure since the very beginning of the world.[c]
36 Then Jesus left the crowds and returned to His house. His disciples followed Him.
Disciples: Explain to us the story You told about the weeds.
Jesus: 37 The one who sowed the good seed is the Son of Man. 38 The field is the world; the good seed represents the children of the Kingdom. The weeds—who do you think the weeds are? They are the children of the evil one, 39 and the enemy who threw the weeds among the wheat is the devil. The harvest is the end of the age, and the workers are God’s heavenly messengers. 40 In the parable, I told you the weeds would be pulled up and burned—well, that is how it will be at the end of this age. 41 The Son of Man will send His messengers out into the world, and they will root out from His kingdom everything that is poisonous, ugly, and malicious, and everyone who does evil. 42 They will throw all that wickedness into the fiery furnace where there will be weeping and grinding of teeth. 43 And the righteous will shine like the sun in their Father’s kingdom. He who has ears to hear, let him hear.
44 The kingdom of heaven is like a treasure that is hidden in a field. A crafty man found the treasure buried there and buried it again so no one would know where it was. Thrilled, he went off and sold everything he had, and then he came back and bought the field with the hidden treasure part of the bargain.
45 Or the kingdom of heaven is like a jeweler on the lookout for the finest pearls. 46 When he found a pearl more beautiful and valuable than any jewel he had ever seen, the jeweler sold all he had and bought that pearl, his pearl of great price.
47 Or think of it this way: the kingdom of heaven is like a net that was cast into the sea, a net that caught a world of flickering fish. 48 When the net was full, the fishermen hauled it to shore. They separated the good fish from the bad, placing the good fish in a bucket and throwing out the inedible fish. 49 That is what the end of time will be like. The heavenly messengers will separate the good from the bad, the righteous from the wicked, the repentant from the prideful, the faithful from the hard-hearted. 50 The bad, the wicked, the prideful, and the hard-hearted will be thrown into the fiery furnace where there will be weeping and grinding of teeth.
51 Do you understand?
Disciples: Yes, we understand.
Jesus: 52 Every scribe and teacher of the law who has become a student of the ways of the Kingdom is like the head of the household who brings some new things and some old things, both out of the storeroom.
53 With that Jesus finished teaching His parables, and He moved on. 54-56 He came to Nazareth, the town where He had grown up. He taught at the local synagogue, and the people were astonished.
People: Is this our little Jesus? Is this Mary’s son? Is this the carpenter’s son? Is this Jesus, brother of James, Joseph, Simon, and Judas? Didn’t we just see His sisters yesterday at the market? Where did He learn all this? Whence His power?
57 They were offended by Him—by His teachings, by who He was.
Jesus: Prophets are respected—except in their hometowns and in their own households. There the prophet is dishonored.
58 Jesus didn’t bother to work wondrous miracles there in Nazareth because the people did not believe.
Footnotes
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
The Voice Bible Copyright © 2012 Thomas Nelson, Inc. The Voice™ translation © 2012 Ecclesia Bible Society All rights reserved.
