Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)

13 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Dahil(B) sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Ganito ang sinabi niya:

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang matitinik at sinakal ng mga ito ang mga binhing tumubo doon. Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. Makinig ang may pandinig!”

Ang Layunin ng mga Talinghaga(C)

10 Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa kanila?” 11 Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Sapagkat(D) ang mayroon ay bibigyan pa, at lalong magkakaroon; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man. 14 Natutupad(E) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,

‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman,
    at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman.
15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;
    mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
    at ipinikit nila ang kanilang mga mata,
kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,
    nakarinig ang kanilang mga tainga,
    nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sila sa akin,
    at pinagaling ko sila.’

16 “Subalit(F) pinagpala kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”

Ipinaliwanag ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(G)

18 “Makinig kayo at unawain ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.

20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at masayang tumatanggap nito 21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.

22 “Ang binhi namang nahulog sa may matitinik na halaman ay ang mga taong nakikinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, nawawalan ng puwang sa kanilang puso ang mensahe at hindi ito nagkakaroon ng bunga.

23 “At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”

Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan

24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, ‘Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ 28 Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga damo?’ 29 ‘Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,’ sagot niya. 30 ‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”

Talinghaga tungkol sa Buto ng Mustasa(H)

31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinghaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

Talinghaga tungkol sa Pampaalsa(I)

33 Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang talinghaga. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, hanggang umalsa ang buong masa ng harina.”

Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinghaga(J)

34 Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinghaga. 35 Sa(K) gayon, natupad ang sinabi ng propeta:[a]

“Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinghaga,
    ihahayag ko ang mga bagay na inilihim mula pa nang likhain [ang daigdig].”[b]

Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan

36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid.” 37 Sumagot si Jesus, “Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!”

Ang Natatagong Kayamanan

44 “Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon.”

Ang Perlas na Mahalaga

45 “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. 46 Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.”

Ang Lambat

47 “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. 48 Nang mapuno ang lambat, hinila ito sa pampang. Naupo ang mga tao habang tinitipon nila sa sisidlan ang mabubuting isda at itinatapon naman ang mga isdang hindi mapapakinabangan. 49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid, 50 at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Kayamanang Bago at Luma

51 “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Jesus. “Opo,” sagot nila. 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat tagapagturo ng Kautusan na tinuruan tungkol sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang taguan ng kayamanan.”

Si Jesus ay Hindi Tinanggap sa Nazaret(L)

53 Umalis si Jesus mula roon matapos niyang isalaysay ang mga talinghagang ito. 54 Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kaya't kanilang itinanong, “Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 55 Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natutuhan ang lahat ng iyan?” 57 At(M) siya'y hindi nila pinaniwalaan.

Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” 58 At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya gumawa roon ng maraming himala.

Footnotes

  1. Mateo 13:35 sinabi ng propeta: Sa ibang manuskrito'y sinabi ng propeta Isaias .
  2. Mateo 13:35 ang daigdig: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.

Ngụ Ngôn về Người Gieo Giống

(Mác 4:1-9; Lu 8:4-8)

13 Cũng ngày hôm đó Ðức Chúa Jesus ra khỏi nhà và ra ngồi bên bờ biển. Dân chúng tụ họp quanh Ngài rất đông, đến nỗi Ngài phải xuống thuyền mà ngồi, trong khi cả đoàn dân đứng trên bờ. Ngài dùng các ngụ ngôn dạy họ nhiều điều. Ngài nói, “Một người kia đi ra gieo giống. Khi gieo, một số hạt giống rơi xuống dọc mặt đường, chim đến ăn mất. Một số hạt giống rơi nhằm đất đá, nơi chẳng có nhiều đất thịt, chúng mọc lên ngay. Vì đất không sâu, nên khi mặt trời mọc lên, chúng bị nắng đốt, vì không có rễ đâm sâu, nên chúng chết héo. Một số hạt giống khác rơi vào bụi gai, gai góc mọc lên, làm chúng bị nghẹt ngòi. Một số hạt khác rơi trên đất tốt, mang lại kết quả, hạt được một trăm, hạt được sáu chục, hạt được ba chục. Ai có tai, hãy nghe.”

Mục Ðích của Ngụ Ngôn

(Mác 4:10-12; Lu 8:9-10)

10 Các môn đồ đến và nói với Ngài, “Sao Thầy nói với họ bằng ngụ ngôn?”

11 Ngài trả lời và nói với họ, “Vì các ngươi đã được ban ơn để hiểu biết huyền nhiệm của vương quốc thiên đàng, còn họ thì không. 12 Ai có sẽ được cho thêm, và người ấy sẽ có dư dật; nhưng ai không có, thì ngay cả những gì người ấy có, sẽ bị cất đi. 13 Sở dĩ Ta nói với họ bằng ngụ ngôn bởi vì họ nhìn mà không thấy, nghe mà không hiểu. 14 Về họ lời tiên tri của Ê-sai đã được ứng nghiệm,

‘Các ngươi sẽ lắng tai nghe, nhưng chẳng hiểu, sẽ trố mắt nhìn, nhưng chẳng thấy,
15 Vì lòng dân này đã chai lì, tai họ đã nặng, và mắt họ đã nhắm kín.
Nếu không, mắt họ đã thấy, tai họ đã nghe, và lòng họ đã hiểu, khiến họ đã trở lại, và Ta đã chữa lành cho họ rồi.’[a]

16 Nhưng phước thay cho mắt các ngươi vì thấy được, và cho tai các ngươi vì nghe được. 17 Quả thật, Ta nói với các ngươi, nhiều tiên tri và người công chính ước thấy những gì các ngươi thấy mà không được thấy, mong nghe những điều các ngươi nghe mà không được nghe.”

Chúa Giải Nghĩa Ngụ Ngôn Người Gieo Giống

(Mác 4:13-20; Lu 8:11-15)

18 “Vậy các ngươi hãy nghe ý nghĩa của ngụ ngôn về người gieo giống: 19 Khi một người nghe giảng đạo[b] của Vương Quốc mà không hiểu, thì Ác Quỷ[c] đến và cướp đi những gì đã gieo vào lòng người ấy. Ðó là hạt giống đã rơi dọc mặt đường. 20 Còn hạt rơi nhằm đất đá chỉ về người khi nghe đạo liền vui mừng tiếp nhận, 21 nhưng không có rễ trong lòng, vì chỉ tin hời hợt nhất thời; gặp khi khó khăn hoặc bách hại vì cớ đạo xảy ra, người ấy liền bỏ đạo. 22 Người như hạt giống rơi vào bụi gai là người nghe đạo, nhưng vì sự lo lắng về đời này và sự lừa dối của giàu sang đã làm cho nghẹt ngòi đạo, và người ấy trở nên không kết quả. 23 Nhưng người như hạt giống rơi vào đất tốt là người nghe đạo và hiểu, cho nên người ấy kết quả, có người kết quả gấp trăm lần, có người sáu chục, và có người ba chục.”

Ngụ Ngôn về Cỏ Lùng và Lúa Mì

24 Ngài kể cho họ một ngụ ngôn khác rằng, “Vương quốc thiên đàng giống như người kia gieo giống tốt vào ruộng mình; 25 nhưng khi mọi người đang ngủ, kẻ thù của người ấy đến, gieo hạt cỏ lùng vào ruộng lúa mì, rồi đi. 26 Ðến khi lúa mì mọc lên và kết hạt, cỏ lùng cũng xuất hiện. 27 Các tôi tớ của chủ đến nói với ông, ‘Thưa chủ, không phải ông đã gieo giống tốt vào ruộng của ông sao? Vậy bởi đâu những cỏ lùng này mọc lên như vậy?’

28 Chủ đáp, ‘Một kẻ thù đã làm điều đó.’

Các tôi tớ của ông nói, ‘Chủ muốn chúng tôi đi và nhổ những cỏ đó không?’

29 Ông đáp, ‘Ðừng, vì e rằng khi nhổ cỏ anh chị em sẽ làm trốc gốc lúa. 30 Cứ để chúng lớn lên với nhau cho đến mùa gặt; đến khi gặt lúa, tôi sẽ bảo các thợ gặt, ‘Hãy gom cỏ trước, bó lại thành bó và đem đốt, nhưng hãy gom lúa mì vào vựa lẫm của tôi.’”

Ngụ Ngôn về Hạt Cải

(Mác 4:30-32; Lu 13:18-19)

31 Ngài kể cho họ một chuyện ngụ ngôn nữa rằng, “Vương quốc thiên đàng giống như một hạt cải người kia lấy và gieo vào vườn rau mình. 32 Tuy nó là hạt nhỏ nhất trong các hạt giống, nhưng khi lớn lên, nó trở thành một bụi lớn nhất trong các thứ rau cải; nó trở thành một cây, đến nỗi chim trời có thể đến làm tổ trên cành nó được.”

Ngụ Ngôn về Men

(Lu 13:20-21)

33 Ngài kể cho họ một chuyện ngụ ngôn nữa, “Vương quốc thiên đàng giống như men người đàn bà kia lấy trộn với ba đấu bột, cho đến khi bột dậy cả lên.”

Lý Do Chúa Dùng Ngụ Ngôn

(Mác 4:33-34)

34 Ðức Chúa Jesus nói những điều ấy với đám đông bằng các ngụ ngôn. Ngài không nói với họ điều chi mà không dùng ngụ ngôn. 35 Ðiều ấy đã làm ứng nghiệm lời của đấng tiên tri đã nói trước rằng,

“Ta sẽ mở miệng để kể chuyện ngụ ngôn;
Ta sẽ nói ra những bí ẩn từ khi khai thiên lập địa.”Thi 78:2

Chúa Giải Nghĩa Ngụ Ngôn Cỏ Lùng

36 Sau đó Ngài rời đám đông để vào nhà. Các môn đồ Ngài đến với Ngài và nói, “Xin Thầy giải nghĩa cho chúng con ngụ ngôn về cỏ lùng trong ruộng.”

37 Ngài trả lời và nói, “Người gieo giống tốt là Con Người, 38 đồng ruộng là thế gian, giống tốt là con cái Nước Trời, cỏ lùng là con cái Ác Quỷ,[d] 39 kẻ thù gieo cỏ lùng là Ác Quỷ, mùa gặt là ngày tận thế, và các con gặt là các thiên sứ. 40 Như cỏ lùng bị gom lại và bị đốt thể nào, điều sẽ xảy ra trong ngày tận thế cũng thể ấy. 41 Con Người sẽ sai các thiên sứ của Ngài; họ sẽ gom lại mọi kẻ gây cớ vấp ngã và những kẻ làm ác ra khỏi vương quốc của Ngài, 42 và quăng chúng vào hồ lửa, nơi sẽ có khóc lóc và nghiến răng. 43 Rồi những người công chính sẽ được rạng ngời như mặt trời trong vương quốc của Cha họ. Ai có tai, hãy nghe!”

Ngụ Ngôn về Kho Báu

44 “Vương quốc thiên đàng giống như một kho tàng chôn giấu trong cánh đồng. Một người nọ khám phá được bèn che giấu nó lại, rồi vui mừng trở về, bán tất cả những gì mình có, và mua cánh đồng ấy.”

Ngụ Ngôn về Viên Ngọc Quý

45 “Vương quốc thiên đàng cũng giống như một thương gia kia tìm mua bửu ngọc. 46 Khi tìm được viên ngọc quý, thương gia ấy trở về, bán tất cả những gì mình có, và mua viên ngọc ấy.”

Ngụ Ngôn về Lưới Cá

47 “Vương quốc thiên đàng cũng giống như một chiếc lưới thả xuống biển, bắt đủ loại cá. 48 Khi lưới đã đầy, người ta kéo lên bờ, rồi ngồi xuống, lựa cá tốt bỏ vào giỏ, và vứt cá xấu đi. 49 Trong ngày tận thế cũng vậy. Các thiên sứ sẽ đến, tách rời kẻ gian ác ra khỏi người công chính 50 và ném những kẻ gian ác vào hồ lửa, nơi sẽ có khóc lóc và nghiến răng.”

Chủ Nhà Lấy Của Trong Kho Ra

51 “Các ngươi có hiểu những điều ấy chăng?”

Họ trả lời Ngài, “Dạ hiểu.”

52 Ngài nói với họ, “Thế thì người dạy giáo luật nào trở thành môn đồ của vương quốc thiên đàng sẽ giống như chủ nhà kia lấy từ kho báu của mình ra cả vật mới lẫn vật cũ.”

Chúa Bị Khước Từ tại Na-xa-rét

(Mác 6:1-6; Lu 4:16-30)

53 Sau khi Ðức Chúa Jesus dạy xong các ngụ ngôn ấy, Ngài rời nơi đó. 54 Ngài trở về quê hương của Ngài và bắt đầu giảng dạy trong hội đường của họ. Dân địa phương ngạc nhiên và nói, “Bởi đâu người này có sự khôn ngoan và làm được những việc quyền năng như thế? 55 Ðây không phải là con trai của người thợ mộc sao? Mẹ ông ta chẳng phải là Ma-ry sao? Các em trai ông ta chẳng phải là Gia-cơ, Giô-sép, Si-môn, và Giu-đa sao? 56 Chẳng phải các em gái ông ta đang ở giữa chúng ta sao? Bởi đâu người này có được những điều ấy?” 57 Họ bị vấp ngã vì cớ Ngài.

Nhưng Ðức Chúa Jesus nói với họ, “Một tiên tri không thiếu sự tôn trọng ngoại trừ ở quê hương mình và trong gia đình mình.”

58 Ngài không làm nhiều phép lạ ở đó vì lòng vô tín của họ.

Footnotes

  1. Ma-thi-ơ 13:15 Ê-sai 6:9,10 LXX
  2. Ma-thi-ơ 13:19 nt: Lời (Lógos); tương tự 13:20, 21, 22, 23
  3. Ma-thi-ơ 13:19 nt: kẻ ác (xem thêm 6:13)
  4. Ma-thi-ơ 13:38 nt: kẻ ác