Add parallel Print Page Options

54 (A)At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay (B)kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y (C)nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?

55 (D)Hindi baga ito ang anak ng (E)anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at (F)Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang (G)kaniyang mga kapatid?

56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?

Read full chapter